DepEd Tayo SDO Pampanga

The Department of Education reiterates the implementation of Paragraph 12 of DepEd Order No. 7, s. 2020 or the School Calendar and Activities for School Year 2020-2021 which states that teachers will not be required to report for work and engage in teaching activities on Saturdays and Sundays.

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo
... See MoreSee Less

View on Facebook

OPISYAL NA PAHAYAG

Oktubre 20, 2020- Naipaabot sa kaalaman ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga pagsubok na hatid ng kasalukuyang sitwasyong mayroon tayo, kasama na rito ang malungkot na balitang may mga guro at mag-aaral ang pumanaw sa gitna ng krisis. Ang Kagawaran, ay lubos na nagdadalamhati at nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila at sa mga minamahal ng ating kasamahan sa DepEd. Kaya naman patuloy na nakikipag-ugnayan ang ating field offices sa mga pamilyang naiwan upang maiparating ang agarang tulong at suporta.

Hinihiling namin sa publiko na igalang ang pribadong buhay ng pamilyang naiwan at gayundin ang pag-iwas sa mga kuro-kuro ukol sa sanhi ng pagkamatay ng kanilang kaanak.

Isang sensitibo at kumplikadong usapin ang suicide. Kaya naman, nais naming ipanawagan na itigil ang pagkonekta nito sa mga modyul o sa distance learning. Nakatanggap na kami ng mga ulat mula sa kinauukulan, maging mga pahayag ng mga pamilya, at mga inisyal na imbestigasyon ng mga kaso at wala sa alinmang insidente ang tumutukoy sa distance learning bilang pangunahing sanhi ng mga ito.

Binabalaan din namin ang publiko sa mga grupo o indibidwal na ginagamit ang mga nasabing insidente upang siraan at isantabi ang mga pagsisikap ng Kagawaran.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Kagawaran sa mga guro, kawani, at mga mag-aaral upang sila ay mabigyan at mahatiran ng mga nararapat na serbisyong pang-mental na kalusugan at psychosocial. Gayundin, hinihikayat namin ang bawat isa na mas pagtibayin ang ugnayan at manatiling konektado sa kanilang mga mahal sa buhay sa panahong puno ng pagsubok.

Sama-sama, malalagpasan natin ito.

_____

Para sa agarang suporta para sa ating kalusugang mental, maaaring sumangguni sa DOH's National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotline numbers:

📱 0917 899 8727 (USAP)
☎️ 989 8727 (USAP)
... See MoreSee Less

View on Facebook

Untitled AlbumBukod sa basic salary at Personnel Economic Relief Allowance (PERA) kada buwan at sa yearly benefits, mayroong mga karagdagang insentibo na maaaring matanggap ang mga DepEd-delivered ALS mobile teachers at District ALS Coordinators (DALSCs) batay sa taon ng serbisyo at performance bilang mga regular na kawani ng gobyerno.

Kabilang dito ang step increment sa basic salary, loyalty cash incentive, Special Hardship Allowance* (SHA), at leave privileges.

Sa ilalim ng panukalang batas para sa ALS Program, binigyang-diin ng DepEd ang kahalagahan na masigurado ang pagkakaroon ng transportation allowance at teaching aid para sa mga ALS teacher bukod pa sa pagkakaroon ng SHA. Kasalukuyan nang ni-ratipikahan sa Bicameral Conference Committee ang nasabing panukalang batas na susunod nang dadalhin sa Tanggapan ng Pangulo upang tuluyang maging batas.

*Maglalabas ang Bureau of Human Resource and Organization Development (BHROD) ng bagong guidelines para sa SHA ngayong school year

#DepEdALS
#ALSLevelUp
... See MoreSee Less

View on Facebook

DepEd warns teachers: Pawning ATM payroll account 'illegal' ... See MoreSee Less

View on Facebook

Happy 80th Birthday, Sec. Leonor Magtolis-Briones!

SALAMAT PO SA PATULOY NA PAGLILINGKOD AT WALANG SAWANG PAGMAMAHAL SA AMING LAHAT 💓

#DepEdTayoSDOPampanga #DepEdPampangaInformationOffice
... See MoreSee Less

View on Facebook

SUPER KT ... See MoreSee Less

View on Facebook

SUPER KT ... See MoreSee Less

View on Facebook

Ibinahagi ni Usec. Diosdado San Antonio ang patungkol sa pagde-deploy ng mga Learning Support Aide (LSA) na makatutulong sa pag-aaral ng mga bata habang isinasagawa ang distance learning. Magsisilbi silang katuwang ng mga guro at mga magulang upang gabayan ang mga batang nahihirapan sa kanilang pag-aaral.

#HandangIsip #HandaBukas #SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo
... See MoreSee Less

View on Facebook
Upcoming Events